-- Advertisements --

Naitabla na sa ng TNT Tropang Texter 2-2 ang best of seven PBA Philippine Cup kontra sa San Miguel Beermen 100-87.

Hindi pinahiya ng Texters ang 10,569 na fans na nanood sa Araneta Coliseum dahil mula sa simula ay hindi na pinalamang ng TNT ang Beermen.

Bumida sa panalo ng TNT si Jayson Castro na nagtala ng 26 points, anim na assists, habang mayroong 21 points si Roger Pogoy at 15 points kay Mikey Williams at 14 points kay Kelly Williams.

Ipinagmalaki ni TNT assistant coach Sandy Arespacochaga ang naging paggalaw ng mga manlalaro sa tuwing hawak nila ang bola.

Nagkaroon aniya ng matinding depensa ang koponan laban sa Beermen.

Napalapit pa ng Beermen ang kalamangan sa 54-53 dail sa layup ni Simon Enciso kung saan ipinakita ni Castro ang kaniyang interior defense sa pamamagitan ng kaniyang magkakasunod na layups.