-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para makapasok sa PBA Governors’ Cup Finals.

Ito ay matapos tuluyang talunin ang Meralco Bolts 99-80 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 40 points, 13 rebounds at dalawang assists habang mayroong 29 points ang naitala ni Mikey Williams.

Sinabi ni TNT coach Jojo Lastimosa na pinaigting nila ang kanilang depensa laban sa Bolts para makuha ang 2-1 na kalamangan sa best of five semifinals.

Nasayang naman ang 30 points ni KJ McDaniel at 12 points ni Chris Newsome para sa Bolts.