-- Advertisements --
Abot kamay na ng Talk ‘N Text Tropang Giga ang kampeonato.
Ito ay matapos talunin ang San Miguel Beermen 102-93 at makuha ang 3-2 na benta sa best-of-seven finals ng PBA Philiippine Cup.
Bumida sa panalo si Mikey Williams na nagtala ng 23 points habang mayroong 21 points si Kelly Williams at 17 points si Poy Erram.
Pinuri ni TNT coach Chot Reyes ang kaniyang mga manlalaro lalo kina Kib Montalbo at Matt Ganuelas-Roser na naglaro lalo na sa mga decisive third quarters.
Nasayang naman ang naitalang 20 points at 16 rebounds ni June Mar Fajardo.