-- Advertisements --
Naglabas ng memorandum ang PBA Commissioner’s Office kay TNT import Bol Bol.
Ipinaalala sa 7 fott 3 na manlalaro na mayroon itong responsibilidad na makasalamuha ang mga fans at mga miyembro ng media.
Kinumiprma ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagpapadala ng memo sa Tropang 5G matapos na tumanggi si Bol Bol na sumali sa post-game interviews kahit na pinangalanan siyang Best Player of the Game.
Magugunitang kahit na anong pilit ni TNT team manager Jojo Lastimosa sa South Sudanese at dating NBA player na paunlakan ang pakikipagpanayam.
Ipinagtanggol naman ni TNT Chot Reyes ang import na anak ng namayapang si NBA player na si Manute Bol kung saan nag-aadjust lamang ito sa uri ng laro sa PBA.
















