-- Advertisements --

Pinahiya ng Talk ‘N Text ang Meralco Bolts 111-104 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng TNT si Holls Jefferson na mayroong 34 points, 11 rebounds, walong assists at dalawang steals.

Nag-ambag naman ng 25 points, limang rebounds at isang assists si Mikey Williams.

Dahil sa panalo ay mayroon ng pitong panalo at isang talo ang TNT na hawak ang solo na kalamangan.

Habang nasayang naman ang nagawang 26 points ni KJ McDaniel at 21 points mula kay Aaron Black at 20 points ni Chris Newsome para sa Bolts.