-- Advertisements --

Kasalukuyang naka-isolate na si TNT coach Chot Reyes matapos na magpositibo siya sa COVID-19.

Dahil dito ay hindi na siya makakasama sa Game 7 finals nila kontra San Miguel Beermen.

Nakumpirma lamang ang kaniyang pagpositibo sa virus ilang oras bago ang pagsisimula ng laro.

Noong Sabado pa lamang aniya ay hindi na maganda ang pakiramdam ng beteranong coach kaya hindi na ito nakadalo sa ensayo ng koponan.

Pumalit sa kaniyang puwesto para maging coach ang anak nitong si Josh Reyes.