-- Advertisements --

Pinatumba ni Australian boxer Tim Tszyu si Carlos Ocampo ng Mexico para mapanatili ang kaniyang interim WBO super welterweight title.

Sa loob lamang ng unang roung pinaulanan ng suntok ni Tszyu ang kalaban at tuluyan niya itong napabagsak.

Dalawang beses naipasok ang malakas nitong suntok sa mukha ng kalaban at napatumba sa loob ng 72 segundo habang walang naipasok na s suntok ang Mexican boxer.

Nanatiling walang talo si Tszyu sa 23 laban niya na mayroong 17 knockouts.

Inaayos na ng WBO ang paghaharap ni Tszyu sa American boxer na si Jermell Charlo na mayroong 35 panalo, isang talo at isang draw namayroong 19 knockouts.