-- Advertisements --
Mabilis na naubos ang tickets ng 2023 Eurovisioin song contest grand final na gaganapin sa Liverpool, England.
Ayon sa organizer na sa loob lamang ng 36 minuto mula ng ianunsiyo nila ang pagbenta ng tickets ay naubos agad ito.
Hinawakan ng Britanya ang hosting imbes na ang defending champion na Ukraine dahil sa patuloy ang nagaganap na kaguluhan sa pagitan nila ng Russia.
Mayroon ding 3,000 na tickets ang ibebenta para sa mga mamammayan ng Ukraine sa murang halaga.