-- Advertisements --

Sinibak ng legendary band na The Who ang kanilang drummer na si Zak Starkey.

Ito na ang pangalawang pagkakataon sa loob ng isang buwan ng tanggalin nila si Starkey.

Ayon sa kanilang gitarista at pangunahing songwriter na si Pete Townshend na naging “mutual” ang pagkakasibak kay Starkey.

Hiniling nila kay Starkey na maglabas ng pahayag na kusa itong umalis para ipursigi ang ilang musical job niya.

Si Starkey ay anak ni The Beatles drummer Ringo Starr ay naging bahagi na ng The Who mula pa noong 1999.

Una siyang tinanggal noong nakaraang buwan dahil sa hindi na sila masaya sa kaniyang pagtugtog sa konsiyerto nila sa Royal Albert Hall sa London.