-- Advertisements --

Nagpahiwatig ang bilyonaryang Thai transwoman na ibabalik nito sa “tamang landas” ang Fil-German model na si Clint Bondad.

Ito’y kasunod ng rebelasyon na siyam na buwan nang nasa kanyang bahay sa Thailand ang ex-boyfriend ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray, sa gitna ng mga malisosyong mga online posts.

Paglilinaw pa ng sinasabing chief executive officer ng JKN Global Media Public Limited Company sa Thailand, kapatid lang ang kanyang turing sa modelo kaya huwag nang bigyan ng kulay ang kanyang pagsali sa eksena.

https://www.instagram.com/p/CC5Hv56AcA1/

Una nang nagpakawala ng matitinding salita si Anne Jakrajutatip na sawa na siya sa pagkakaroon ng “psychopath” at “German sausage” sa kanyang buhay at nagbanta pa hinggil sa paglinis daw ng “dirty secret.”

Thai billionaire linked to Clint

Dito na kanya-kanyang komento ang mga netizen na may kinalaman kay Bondad ang mga pahaging ni Anne.

Nabatid na ang nasabing Thai transgender ang usap-usapang kahalikan daw ni Bondad na nakunan ng video at kumalat.