Naniniwala si House Minority Leader Danilo Suarez na hindi magiging maganda para sa Kamara sakaling magkaroon ng term-sharing sa pagitan ng mga kandidato para sa speakership race.
Sa isang panayam, binigyan diin ni Suarez na hindi makakabuti para sa performance ng Kamara ang pagkakaroon ng term sharing dahil maantala lamang nito ang trabaho ng kapulungan.
Sakaling matuloy ang term sharing, sinabi ni Suarez na magkakaroon ng pagbabago sa mga nakaupong committee chairs sa oras na may bagong maupong Speaker.
Iginiit ng kongresista na magiging “counterproductive” lamang ito.
Ngayong patuloy na umiinit ang speakership race, sinabi ni Suarez na posibleng sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at incoming Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano ang nagpapalutang sa ideya na magkaroon ng term-sahring.