Ibinunyag ni tennis legend Chris Evert na na-diagnosed siya ng stage 1 ovarian cancer.
Sa kaniyang Twitter, sinabi nito na nais niyang ibahagi ang pinagdaanan bilang bahagi ng pagtulong sa ibang tao.
Masuwerte pa rin aniya siya dahil maaga niya itong naramdaman at umaasa siya na magkakaroon ng positibong resulta mula sa kaniyang pagsasailalim ng chemotheraphy.
Mula ng ianunsiyo ng 67-anyos na tennis legend ang kaniyang pinagdadaanan ay nagpaabot naman ng kanilang kalungkutan ang Australian Open organizers.
Si Evans ay nagwagi ng 18 Grand Slam single titles at tatlong Grand Slam doubles titles sa kaniyang career.
Isinilang sa Fort Lauderdale, Florida noong 1954 at umakyat ng pagiging number 1 nationally ranked player sa Girls’ 14-under Division.
Noong siya ay edad 15 ay tinalo niya si ranked number 1 sa buong mundo na si Margaret Court sa Charlotte, North Carolina, tournament.
Naging professional na ito noong Disyembre 21, 1972 sa edad 18.
Matapos ang ilang buwan ay tinalo niya si Martina Navratilova ng Czech Republic sa unang pagkakataon sa women’s professional games sa Akron, Ohio.
Pagkatapos ng apat na taon sa kaniyang professional career ay naging unang babaeng atleta na kumikita ng $1 million sa career prize money.
Hawak nito ang 157 singles titles at ranked number 1 sa buong mundo sa loob ng pitong taon mula 1974 hanggang 1978, 1980 at 1981.