-- Advertisements --

Pagpapaliwanagin ng mga senador ang telecommunication companies (TELCO) kaugnay ng mabagal restoration sa ilang lugar na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Bukod dito, hihingan din ang status report ng mataas na kapulungan ng Kongreso, kung natutupad ng mga kompaniya ang pangakong mas mabilis na internet speed sa bansa.

Ayon kay Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe, pinagsusumite nila ng report ang PLDT, Globe at ang third telco na DITO telecommunity.

Uusisain din ng komite ang DITO kung ilang pasilidad na ang naipatayo, lalo’t kailangan ngayon ng mas maraming service provider para sa internet connections ng mga nasa online class at work from home employees.

“Sa nagdaang siyam na buwan, higit nating dama ang problema sa internet sa ating bansa: Mabagal. The Philippines ranked 110 out of 174 countries in the speed test global index; Mahal. Telcos in the country are charging the fourth highest cost in ASEAN at about P315 per 500 megabytes of prepaid mobile connection which is almost at par with the internet cost in Singapore and Thailand kung saan ‘di hamak na mas maayos at mabilis ang kanilang internet. Kulang. Batay sa 2019 DICT National ICT Household Survey, halos 64 percent ng ating mga komunidad ang walang telco tower sa kanilang lugar. 84 percent pa rin ng ating mga kabahayan ang walang internet access. 70 percent ng ating mga barangay ang walang fiber optic cables. At halos 88 percent ng ating mga barangay ang hindi pa rin naaabot ng free WiFi kahit na may Free Public WiFi law na tayo, ito’y batas na,” wika ni Sen. Poe.