Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbabalik ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Department of Labor and Employment (DOLE) mula Department of Trade and Industry (DTI).
Sa Executive Order No. 5 na nilagdaan ng presidente, ililipat ang attachment ng TESDA sa ilalim ng DOLE, para umano sa “policy at program coordination.”
Batay sa naturang EO, ang Secretary of Labor and Employment ang dapat na maging chairperson ng TESDA board.
Giit pa rito na ang DOLE ay dapat magkaroon ng papel sa policy-making, programming, coordinating at administrative entity ng opisina.
Ang TESDA ang pangunahing ahensiya na responsable para sa technical education at skills development ng maraming manggagawa na ngayon ay may matagumpay na trabaho sa loob at labas ng ating bansa.