-- Advertisements --
Kabilang na sa billionaires list ang singer na si Taylor Swift.
Ayon sa Bloomberg analysis na mayroong $1.1 bilyon ang net worth na ngayon ng singer.
Malaking tulong sa kaniya ang kaniyang record-breaking na Eras Tour na tumulong para mapalakas ang ekonomiya ng US.
Siya lamang aniya sa ilang mga entertainers na nakaabot sa nasabing estado base sa kaniyang performances at musika.
Nadomina ni Swift hindi lamang ang Super-Bowl sized arena maging ang mga sinehan kung saan naipalabas ang kaniyang Eras Tour na kumita ng $96 milyon sa box offices sa US at Canada.