-- Advertisements --
Buong-buo ang suporta ng pop star na si Taylor Swift sa football league ng boyfriend nitong si Travis Kelce.
Sinalubong ni Taylor ng yakap at halik si Kelce matapos itong manalo sa Super Bowl battle nila sa score na 25-22 na itinuturing na 7th longest game sa National Football League history.
Kasama ni Taylor sa panunuod ng laro ang mga kaibigan nito gaya ni Lana Del Ray gayundin ang ang kanyang mga magulang.
Katatapos lamang ng 4-night concert ng pop star sa Tokyo, Japan nang nanuod ito ng NFL. Ilang beses na ring nanuod si Swift ng mga football games ni Kelce sa gitna ng kanyang The Eras World Tour.