-- Advertisements --

Pinaghahandaan ng batikang Pinoy Olympian ang tatlong malalakas na boksingero na maaaring mapatapat sa kanya sa nalalapit na Paris Olympics.

Ayon kay Petecio, kinabibilangan ito ng mga pambato ng Kazakhstan, Italy, at Chinese Taipei.

Gayonpaman, hindi ito nangangahulugan aniya na minamaliit niya ang ibang mga boksingero na sasabak din sa Paris Olympics. Sa katunayan aniya, pinaghahandaan niya ang sinumang mapatapat sa kanyang draw, pagsapit ng Olympics.

Samantala, ang mga pambato ng mga bansang nabanggit ni Petecio ay sina Karina Ibragimova ng Kazakhstan, Irma Testa ng Italy, at Lin Yu-ting ng Chinese Taipei.

Sina Lin at Ibragimova ay nanalo bilang gold at silver medalist sa nakalipas na Asian Games 2023 habang si Testa ay ang kanyang tinalo sa semis noong Tokyo Olympics.

Si Petecio ang isa sa limang mga Pilipinong boksingero na na na-qualify para sa Paris Olympics.

Kinabibilangan ito nina Eumir Marcial, Carlo Paalam, Aira Villegas at Hergie Bacyadan.