BOMBO DAGUPAN-Planong bumuo ng Task force ang hanay ng Pangasinan Police Provincial Office kaugnay sa nangyaring pagpaslang sa mag-amang natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang stockroom sa bayan ng Sual.
Kaugnay nito, kasulukuyan namang nagpapatuloy ang isinasagawang manhunt operations laban sa mga tumakas na mga suspek matapos na paslangin ang mag-ama.
layunin ng binuong task force na mas mapabilis ang paghahanap sa suspek.
Matatandaan, pasado alas-10 ng Umaga noong August 9, ng kasalukuyang taon ay natagpuan sa stockroom ng isang tindahan ng construction supplies ang katawan ng mag-ama na nakilalang sina Ronnie Poe Costales at anak nito na si Jhana na wala ng buhay kung saan ay suspek dito ang isang Jason Libayon na patuloy pang pinaghahanap.