-- Advertisements --

Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Task Force El Niño ang ibat ibang sektor ng pamahalaan partikular ang water, power supply at presyo ng mga pagkain, ito’y sa gitna ng banta ng malakas na El Nino Phenomenon na nararanasan ng bansa.

Ayon kay Task Force spokesman at Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama, mahigpit ang direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tiyakin ang food security, water at power supply at maging ang kalusugan ng mga kababayan natin.

Sinabi ni Villarama, mayruon ng naiulat na pinsala sa agrikulutra sa bigas at mais partikular sa dalawang rehiyon ang Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Ayon kay Villarama, batay sa ulat ng state weather bureau ang temperatura ay maaaring umabot sa 36.5 degrees sa Metro Manila at posibleng aabot sa 40 degrees sa Northern Luzon.

Una ng iniulat ng Task Force na nasa 41 probinsiya na ang apektado ng El Niño.

Nagbabala naman si Villarama na sa katapusan ng buwan ng Pebrero nasa 10 probinsiya pa ang maapektuhan ng El Nino.