-- Advertisements --

Hindi pinaporma ni Japanese boxer Naoya Inoue si Filipino boxer Marlon Tapales.

Itinigil na ng referee ang laban sa ika-sampung round dahil sa nakita niyang hindi na kaya ni Tapales sa laban na ginanap sa Ariake Arena ng Tokyo, Japan.

Sa nasabing laban ay dalawang beses pang pinatumba ni Inoue si Tapales na una sa pagtatapos ikaapat na round hanggang makatayo ito bago matapos ang ika-10 bilang ng referee.

Pagdating ng ika-sampung round ay hindi tumigil si Inoue sa pagpapakawala ng mga suntok para ibigay ang ikaapat na talo kay Tapales.

Dahil sa panalo ay naging ikalawang boksingero si Inoue sa kasaysayan na nagwagi ng apat na major world titles sa dalawang weight classes.

Hawak na nito ang WBC, WBA, WBO at IBF world titles sa 122 pound super bantamweight division.

Mayroon ng record si Inoue na 26 panalo at wala pang talo habang si Tapales ay mayroon ng 37 panalo, apat na talo at 19 knockouts.