-- Advertisements --

ILOILO CITY – Bibisita sa lungsod at lalawigan ng Iloilo ngayong araw sina Senator Panfilo “Ping” Lacson, at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na bagama’t walang agenda ang pagpunta ng dalawang senador sa Iloilo ay hindi aniya malayo na may kaugnayan ito sa politika.

Posible rin ayon sa gobernador na mapag-usapan ang 2022 proposed budget, kung saan ilalatag ng probinsya ang ilang mga concern upang mapabilang ang Iloilo sa mga paglalaanan ng proyekto sa hinaharap.

Dagdaga pa ng gobernador, kahit iba ang political party nina Lacson at Sotto, welcome silang magpunta sa iloilo.

Napag-alaman na si Defensor ang Provincial Chairman sang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP–Laban) sa Iloilo.

Samantalang, Partido para sa Demokratikong Reporma (Partido Reporma) naman ang political party ng Lacson-Sotto tandem.