-- Advertisements --

Itinanggi ng Taliban na mayroong naganap ng human rights abuse sa mga resistance forces ng Panjshir province ng north Kabul.

Ilan kasi sa mga residente ng lugar ang nagreklamo na mula ng simulan ng Taliban ang kontrol noong Agosto 2021 ay patuloy silang nakaranas ng pang-aabuso.

Mula pa noong mamuno ang Taliban noong 1990 ay marami ng residente ng Panjishir.

Naglunsad ng National Resistance Front (NRF) ng paglusob sa Taliban kaya gumanti sila sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga sundalo sa lugar.

Ang NRF kasi ay pinamumunuan ni Ahmad Massoud ang anak ng anti-Taliban fighter na umalis sa Afghanistan mula ng kontrolin ng Taliban ang bansa.

Sinusuportahan ito ng mga commandos na dating miyembro ng Afghan Army.