-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Taliban ang pagbabawal ng video-sharing app na TikTok at online multi-player PUBG dahil umano sa may masamang epekto ito sa kabataan.

Bukod pa ang pagbabawal sa mga TV channels dahil sa pag-ere ng mga immoral na mga materyales.

Nauna ng ipinagbawal ng mga Taliban ang musika, pelikula at mga soap operas sa mga telibisyon.

Sinabi naman ni Taliban spokesman Inamullah Samangani na ang mahalaga ang nasabing mga pagbabawal para maiwasan ang mga kabataan na mapariwara.

Ito rin ang unang pagkakataon na pagbawalan ng Taliban ang isang app mula ng mamuno sila.