-- Advertisements --
Sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, mangangailangan ang Taiwan ng nasa 800,000 manggagawa pagsapit ng Disyembre.
Kung saan ilan sa mga job openings ay para sa mga English teachers, hospitality workers, caregivers, farmers at construction workers ayon kay Manila Economic and Cultural Office chairman Silvestre Bello III.
Ayon kay Bello, maaaring sumahod ang mga guro sa Taiwan ng hanggang P100,000 kada buwan bago makapasa sa board exam habang nasa P150,000 naman ang sinasahod kapag certified na.
Napakaganda rin aniya ng mga benepisyo sa Taiwan gayundin ang pakikitungo ng mga Taiwanese employer sa kanilang mga manggagawa.