Hinimok ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang lahat ng mga residente nito na lumahok sa “25-km Taguig Bicyle Loop Challenge” bilang bahagi sa paggunita ng siyudad ng World Bicycle Day.
Ayon kay Mayor Lino, layon ng nasabing aktibidad na i-promote ang biking bilang alternative mode of transportation habang isinusulong din nito ang healthy and sustainable mobility sa siyudad.
“Through the said challenge, participants will be able to share their bike stories and experiences while they tour in the bike loops and lanes throughout the City,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.
Sinabi ni Cayetano, ang Taguig’s Main Biking Loop ay nasa 25-km long, simula sa Taguig City Hall stretching from BGC sa Brgy. Fort Bonifacio hanggang sa Brgy. Upper Bicutan.
Dagdag pa ng alkalde, bumuo din ang lokal na pamahalaan ng apat na mini loops para sa novice bikers na kanilang i-accomplish: Arca-Lakeshore mini loop (8.68km), FTI-Bicutan mini loop (7.67km), Fort Bonifacio mini loop (6.75km), at ang Cayetano-Venice mini loop (9.53km).
” This allows individuals to share their bicycle stories and experiences while touring the city’s bike loops and lanes,” dagdag pa ni Mayor Lino.
Sa ngayon ang Taguig ay mayruong mahigit 60 km established bike lanes sa Cayetano Blvd, Bayani Road, at C-6 Road.
Sa isinagawang Taguig Loop Challenge, nagkaroon free bike maintenance at free snack stations na matatagpuan sa Cayetano Blvd., Bayani Road, at Cuasay MRT Road nuong June 3.
“The purpose of this event is to highlight bicycling as the city’s primary method of transportation and to encourage citizens who are interested in using bicycles for commuting, fitness, or recreation to now pedal their way through biking,” ayon kay Taguig Mobility Office Head Will Mariano.
Inanunsiyo din ng Taguig LGU na magkakaroon ng public group rides na nagsimula kahapon June 4 bandang alas-3:00 ng hapon mula sa Taguig City Hall na susundan ang main biking loop.
Ang Beginner’s Bike Trail naman ay matatagpuan sa C6 sa Lower Bicutan, ito ang unang first off-road bicycle trail with ramps, turns and straights para sa lahat ng adventure-seeking bikers.
Simula June 4 hanggang June 5 bukas ito para sa lahat.
Pina-alalahanan din ng Taguig LGU ang mga riders na huwag kalimutan na gumamit ng helmets.
Bilang culminating activity naman sa paggunita ng Taguig’s World Bicycle Day celebration, ngayong araw June 5,2022 magkakaroon ng educational activities kabilang ang bike repair lessons, its parts, proper ways of riding a bike, at basic hand signals na bukas ito sa publiko.
Ang “Safe Street Program” ay nasa ilalim ng Bike-Friendly Taguig ordinance, kung saan isang partikular na kalye ang isasara ng buong araw sa mga motorista para magkaroon ng isang lugar sa siyudad para makapag bike ng ligtas ang lahat.