Magsisimula ngayong araw ang taas singil ng toll gates ng South Luzon Expressway (SLEx).
Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB) na ang mga drivers na mula sa Alabang patungong Calamba ay may dagdag na P10 para sa Class 1 na sasakyan, P20 sa Class 2 at P30 para sa mga Class 3 na sasakyan.
Habang ang mga mula sa Calamba patungo sa Sto. Tomas, Batangas ay mayroong P4, P6 at P8 na dagdag singil sa mga Class 1, 2 at 3 na sasakyan.
Palwanag ni Toll Regulatory Board spokesperson Julius Corpuz na nararapat na mabigyan ng konsiderasyon ang mga toll investor.
Paliwanag nito na ang unang tranche ng increase ay ipapatupad ngayong taon at ang ikalawang tranches ay sa susunod na taon.
Mula aniya noong 2011 ay ngayon lamang nagpatupad ang SLEX ng dagdag na singil sa kanilang toll gates.