-- Advertisements --
Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto.
Mayroong mula P1.50-P1.60 sa kada litro ang itataas sa diesel.
Habang mayroong P1.10-P1.20 sa kada litro naman ang itataas sa gasolina at P1.30 to-P1.40 kada litro ang itataas sa kerosene.
Inaasahan na magiging epektibo ang nasabing taas presyo sa araw ng Martes, Nobyembre 17.
Isa sa itinuturong dahilan daw ng pagtaas ng presyo ay ang pagkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.










