-- Advertisements --

Ipinatupad na ng mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) ang kanilang taas presyo ngayong unang araw ng Pebrero.

Ayon sa kumpanyang Petron na mayroong P11.20 kada kilogram ang itinaas nila sa mga LPG na ginagamit sa kabahayan.

Habang ang autoLPG naman ay nagtaas ng P6.25 kada litro.

Ang Solaine naman ay mayroong pagtaas ng P11.18 kada kilo.

Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang nasabing kumpanya kaninang alas-6:01 ng umaga.

Habang nauna kaninang alas 12:01 ng hatinggabi ang Phoenix LPG Phils.