-- Advertisements --

MANILA – Kinumpirma ng mga otoridad sa Switzerland na mayroon na silang kaso ng indibidwal na tinamaan ng COVID-19 variant na unang natuklasan sa India.

“The first case of the Indian variant of COVID-19 has been discovered in Switzerland,” ayon sa Federal Office of Public Health.

Batay sa report, isang pasahero na nagpalit ng flight sa isang European country, bago nagtungo sa Switzerland, ang naturang kaso.

Kamakailan nang i-report ng mga otoridad sa Belgium na may 20 Indian nursing students ang nag-positibo sa COVID-19 pagdating ng Paris, France.

Tinawag na B.1.617 variant ng Indian health authorities ang bagong anyo ng COVID-19 virus na nadiskubre sa kanilang bansa.

Ito rin ang itinuturo na dahilan ng panibagong bugso ng coronavirus infections sa India, kung saan marami na ang namatay.

Wala pang report ang World Health Organization na kumikilala sa pagiging “variant of concern nito.”

Nitong Sabado nang maitala ang record high na daily number of new COVID-19 cases sa India na umabot sa higit 300,000.