-- Advertisements --

Nag-plead ng not guilty para sa kasong frustrated homicide ang SUV driver na suspek sa viral video ng hit and run incident sa isang security guard sa Mandaluyong City noong Hunyo.

Kasama ng suspek na si Jose Antonio Sanvicente ang kaniyang lawyer na naghain ng not guilty plea sa Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 213.

Nakatakdang isagawa ang pre-trial sa nasabing kaso sa Oktubre 6.

Magugunita na kamakailan lamang ibinaba ng Piskalya ang kaso ni Sanvicente mula sa frustrated murder sa frustrated homicide dahil sa wala umanong initial intention si Sanvicente para mag-commit ng krimen gami ang sasakyan nito.

Ibinasura din ng Pisklaya ang kasong abandonment of person in danger and one’s own victim laban kay Sanvicente dahil sa kakulangan ng probable cause.