-- Advertisements --

Muli na namang lumutang sa Kongreso ang panukalang postponement ng eleksyon sa lebel ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na naka-schedule sa susunod na taon.

Isa ang panukalang Brgy. and SK election postponement sa mga panukalang batas na inihain ni Surigao del Sur Cong. Johnny Pimentel kasabay ng pagbubukas ng 18th Congress sa Lunes.

Sa ilalim ng House Bill 905 nais ng kongresista na ibalik sa October 20, 2021 ang naturang halalan, imbis schedule nitong May 11, 2020.

Giit ng kongresista, baka magahol ang Commission on Elections (Comelec) sa paghahanda lalo na’t kakatapos lang ng midterm polls nitong Mayo.

“We simply want to give the Comelec greater leeway to prepare for the next barangay and SK elections, considering that we just concluded the May 13 mid-term national and local polls. Plus, we get to defer P3 billion in spending.”

“In particular, we want the Comelec to see to it that young Filipinos who come of age have ample time to register as voters for the first time, so that they can actually participate in the balloting.”

Bukod dito, nais din daw nitong mabigyan ng sapat na panahon ang mga kabataan at mga hindi pa rehistradong botante na makapagpa-rehistro.

Pareho rin ang panawagan ni Isabel Cong. Faustino Dy.

Nauna ng naghain si Sen. Imee Marcos ng parehong panukala sa Senado.

Kung maaalala, ilang beses din hinarang ng nakaraang Kongreso ang eleksyon ng barangay at SK bago ito natuloy noong Mayo 2018.