-- Advertisements --
image 222

Bumuweltang muli si suspended Representative Arnolfo Teves Jr sa mga kinauukulan at pinayuhan ang mga ito na tapusin muna ang imbestigasyon bago ang pagtuturo kung sino ang sangkot sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo

Sa isang panayam , iginiit rin ng mambabatas na hindi makatarungan ang ipinataw na suspension laban sa kanya ng Kamara.

Ayon kay Teves , 13 days pa lamang siyang absent ng siya ay patawan ng suspension.

Pinagbasehan rin ng kongresista ang nakapaloob sa Civil Service Commission na bago maituring na nag Awol o kaya naman ay absent without leave ang isang empleyado ng gobyerno ay dalat mayroon itong 15 days na absent.

Malinaw aniya na nalabag ang kanyang karapatan ng siya ay suspendihin ng wala sa tamang batayan.