BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang top 5 most wanted person provincial level at isa sa mga suspek sa pagpaslang sa isang dating radio broadcaster sa lalawigan Pangasinan na si Virgilio Maganes.
Ayon kay police major Ria Tacderan, PIO Pangasinan Police provincial Office, nahuli ang suspek na si Noe Ducay, alias “Owing” sa isinagawang Oplan black pen ng mga kapulisan.
Una nang tinukoy ng Provincial Prosecution Office na si Ducay ang trigger man.
Matatandaan na dineklarang dead-on-the-spot si Maganes nang pagbabarilin ito 6:45 ng umaga, noong November 10, 2020 habang naglalakad malapit mismo sa kaniyang tahanan sa Licsab, Brgy. San Blas, sa bayan ng Villasis ng dalawang kalalakihang “riding-in-tandem” lulan ng isang motorsiklo, at pinaniniwalaang isa rito ang suspek na si Ducay.