-- Advertisements --
Naaresto na ng mga kapulisan sa US ang suspek na nasa likod ng mass shooting kasabay ng Independence Day sa Highland Park Illinois, Chicago.
Ang 22-anyos na suspek na si Robert E. Crimo III ay nakakulong na matapos ang ilang oras na paghahanap ng mga otoridad.
Base kasi sa mga otoridad na umakyat sa bubong ang suspek at pinagbabaril gamit ang matataas na uri ng baril sa nagaganap na 4th of July parade.
Magugunitang limang biktima ang agarang nasawi sa insidente habang ang dalawa ay binawian ng buhay sa pagamutan.
Sugatan din sa insidente ang mahigit 30 katao sa insidente.
Ang insidente ay nangyari isang buwan matapos ang madugong pamamaril sa Uvalde, Texas at Bufallo sa New York.