-- Advertisements --

Isa lamang umanong uri ng paglalambing kung ituring ng suspek ang ginawa nitong pananakit na sanhi ng kamatayan ng isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.

Sinabi ni Cadet Third Class Jomel Gloria na kaya niya sinuntok si Cadet Fourth Class Jonas Bondoc bilang pagpapaalam dahil nakatakda na itong umuwi sa Mindanao para sa break.

Sa imbestigasyon naman ni Zambales Police provincial director Police Colonel Romano Cardino na ang tawag doon ay “Kaldag” kung saan matapos na bigyan ng suspek ng isa ang biktima ay nagtawanan pa sila at inulit muli.

Sa pangalawang beses doon na lamang niya naramdaman ang nasabing sakit na sanhi ng kamatayan nito.

Wala din aniyang alitan ang dalawa at sa katunayan ay magkaibigan pa ang mga ito.

Inihanda na ng kapulisan ang kasong homicide laban kay Gloria at ito ay tinanggal na bilang kadete sa nasabing akademya.