-- Advertisements --
LA UNION – Patuloy pa ring hinahanap ng mga awtoridad hanggang sa ngayon ang isang surveyor na pinaniniwalaang nalunod sa ilog habang nagsasagawa ng hydro survey sa Barangay Ma. Cristina East, Bangar, La Union kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilala sa pangalang Billy Joe Canonizado, 29-anyos, tubong Brgy. San Felipe, Cabangan, Zambales.
Una rito, rumesponde ang Bangar Police Station sa ulat hinggil sa pagkawala ng surveyor nang tumawid ito sa nasabing ilog.
Sinasabing malakas ang agos ng tubig nang mangyari ang insidente.
Magsasagawa naman ngayong araw ng Miyerkoles, Oktubre 16, ng retrieval operation ang Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Local Disaster Risk Reduction Office para sa nawawalang surveyor.