-- Advertisements --
BUTUAN CITY – May isa nang bangkay ng minero ang naiahon na mula sa hinukay nilang tunnel na natabunan ng mudslides nitong Lunes sa may Purok Casting, Barangay Bayan sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur.
Ito ang kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Caraga kaugnay sa magdamag nilang operasyon sa kabila ng pag-ulan kasama ang mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pulisya at kasundaluhan.
Itutuloy naman ng rescuer team ang kanilang operasyon ngayong araw hanggang sa marekober din ang limang iba pa.
Nabatid na tanging nakaligtas lamang sa trahedya ay ang abantierong si Nonito de los Reyes nang ito’y nakaakyat na sa itaas ng lupa bago rumaragasa ang putik na na-trigger ng malakas na pag-ulan.