Dinipensa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagsusulong nito muli ng panukalang batas ang death penalty sa kabila na ilang beses na ito hindi lumulusot sa kamara.
Inahin ni Barbers ang House Bill 1543 na nagbabalik sa capital punishment para sa illegal drug-related offenses at iba pang mga heinous crimes ang death penalty.
Sa isang panayam sinabi ni Rep. Barbers hindi siya magsasawa na isulong ang naturang panukalang batas dahil naniniwala siya na ito ang tugon para mabawasan ang krimen sa bansa.
May pag-aaral na rin sa ibang bansa na ang pagkakaroon ng death penalty ay nakakatulong sa mga naitatalang kaso ng krimen.
Dagdag pa ng mambabatas na mahalaga na ma-elevate ang nasabing panukala para makuha ang mga sentimiyento taumbayan, ibat ibang sektor sa pamahalaan at maging ang vulnerable sectors.
Samantala, naniniwala si barbers na dapat lang na i-refund ng mga LGUs ang traffic fines na ibinayad ng mga motorista mula sa no-contact apprehension policy or NCAP sa sandaling mapatunayan ito na unconstitutional.
Naniniwala ang mambabatas na ang NCAP ay labag sa batas dahil ang mga motorista ay pinapatawan ng mabigat na multa kahit na sa mga maliliit na paglabag sa trapiko.
Sa isang privilege speech noong Agosto 9, hiniling ni Barbers sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na imbestigahan ang pagpapatupad ng NCAP ng mga LGU sa gitna ng mga reklamo ng mga may-ari ng pribadong sasakyan at mga driver ng public utility vehicles.
Nilinaw ni Barbers na hindi siya tutol sa NCAP, ngunit naniniwala siyang dapat magkaroon ng unified no-contact apprehension program para sa buong bansa.
Aniya, dapat munang lutasin ang mga isyung bumabagabag sa NCAP.