-- Advertisements --

LA UNION – Idineklarang drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1 ang Barangay Urbiztondo kung saan matatagpuan ang Surfing Capital of the North sa San Juan, La Union.

Ito’y matapos na maisumite ang lahat ng dokumentong magpapatunay na malinis na sa ipinagbabawal na gamot ang nabanggit na lugar.

Mismong si Vincent Borja, focal person ng drug free barangay, ang bumasa sa nasabing report.

Samantala, ang Surfing Capital of the North ay siyang pagdadausan ng larong surfing na lalahukan ng mga atleta mula sa mga bansang kasapi ng Southeast Asian (SEA) Games na magsisimula sa November 30 hanggang December 11 ng taong kasalukuyan.