DAVAO CITY – Tinungo ng mga supporters ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang Magsaysay Park sa lungsod para magsindi ng kandila at magdasal.
Ang grupo ay mula sa Inday Sara for President Movement-Davao City Chapter, kung saan ang mga miyembro nito ay mula sa lungsod at Island Garden City of Samal.
Base sa campaign color ng alkalde, green din ang kulay ng kandila na kanilang sinindihan.
Layunin nito na mapakinggan daw ang kanilang panawagan at magbago ang desisyon ng alkalde para mag-file ng kanyang COC sa pagka-pangulo.
Nabatid na noong Biyernes ay natapos na ang siyam na araw na novena para sa nasabing panawagan.
Naniniwala ang mga ito na may pagbabago pa bago ang deadline sa paghain ng COC filing sa araw ng Biyernes at sa substitution sa Nobyembre 15.
Una nito, nakapaghain na rin ng kanyang certificate of candidacy (COC) kahapon si Vice Mayor Sebastian Duterte kung saan siya na rin ang nagsumite ng COC ng kanyang kapatid na si 1st district Rep. Paulo Duterte matapos na naka-quarantine ito dahil sa COVID-19.
Sa panayam kay Baste, kanyang sinabi na hindi na magbabago ang desisyon ni Mayor Inday matapos na muli itong kakandidato bilang alkalde ng lungsod.
Ngunit posible umano ito kung may himala na mangyayari.
Naiintidihan rin niya ang kanyang kapatid at suportado niya ang alkalde kung saan ito komportable.










