-- Advertisements --
SIBUYAS 2

Aabutin pa ng hanggang sa buwan ng Nobyembre ang supply ng pulang sibuyas sa bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Agriculture Asec Kristine Evangelista, sa gitna ng pagdoble ng presyo ng sibuyas sa mga palengke ng Metro Manila.

Ayon kay Asec Evangelista, karamihan sa mga naaning sibuyas ngayong season ay nabenta na ng mga magsasaka sa mga traders, at nakaimbak na sa mga warehouse.

Nakaimbak aniya sa mga cold storage facilities ang maraming supply upang lalo pang mapahaba ang life span, habang ang iba ay ibinebenta na sa mga merkado.

Sa ngayon, sinabi ng DA official na binabantayan nila ang posibilidad ng hoarding upang hindi umabot sa sobrang taas ang presyo ng sibuyas sa mga merkado.

Tinututukan din ng mga field inspectore ng DA ang inflow at outflow ng sibuyas mula sa mga storage facilities.

Batay sa naging monitoring ng DA, mayroon pa ring mga nagtatanim ng mga sibuyas sa bansa, lalo na at naging mataas ang presyuhan nito noong nakalipas nataon.