-- Advertisements --
Viral Video Vaccination DOH

Target ngayon ng Department of Health na makakuha ng suplay ng second-generation COVID-19 vaccines o bivalent vaccines para sa Pilipinas.

Layunin nito na bigyan pa ng dagdag na proteksyon ang mga publiko laban sa Omicron variant ng coronavirus disease.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang mga potential donor ng nasabing bakuna mula sa iba’t-ibang bansa.

Ngunit kasabay nito ay muli namang nagpaalala sa publiko ang United States Centers for Disease Control and Prevention na panatilihing up-to-date ang kanilang mga COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng pagpapaturok ng kumpletong primary at booster dose nito.

Samantala, kung maaalala ay una nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagsumite na ng kumpletong dossier o vaccine documents sa Food and Drug Administration ang vaccine manufacturer na Moderna para sa nasabing bakuna.

Kasabay ito ng kanilang pakikipag-negosasyon dito at sa vaccine manufacturer na Pfizer hinggil pa rin sa procurement ng bivalent vaccines.