-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na suplay ng mga medical oxygen sa bansa.

Sinabi n DTI Secretary Ramon Lopez na walang dapat ipagalala ng mga mamamayan dahil hindi mauubos ang mga oxygen.

Nagbabala rin ito sa mga hoarders na mahaharap sa parusa.

Aminado ito na tumaas ang bilang ng mga bumibili para sa kanilang personal na paggamit.

Nanawagan din ito sa mga private hospitals na huwag mag-hoard ng mga oxygen tanks.