Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas at karne ang bansa ilang buwan bago ang Pasko.
Sa isang statement sinabi ng DA na majority sa suplay ng bigas ay nagmumula sa local production ng ating magsasakang Pilipino na sasapat para mapunan ang demand hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Sa kabilang banda naman, mararamdaman aniya ang paggalaw sa presyo ng bigas sa merkado dahil sa epekto a rin ng tagtuyot sa China na isa sa pangunahing pinag-aangkatan ng bigas ng Pilipinas.
Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ang bansa ng steady increase sa rice stocks inventory na umabot ng hanggang 2,034.57 metric tons (MT) kung saan nasa 1,064.25 MT para sa household, 809.83 MT sa commercial rice at 160.50 MT para sa NFA rice noong July.
Sa panig naman ng National Irrigation Administration (NFA), kanilang dinoble ang efforts na maabot ang mithiin ng administrasyon na mapataas ang local production.
Ayon naman sa NIA, nakapag-secure ito ng P1 trillion na investment pledges mula sa private partnership.
Samantala, tiniyak naman ng livestock group ng DA na may sapat din na suplay ng mga produktong karne partikular na sa local chickens at baboy.
Base sa supply outlook ng DA, ang local production ay nasa 1.65 million MT na sapat para mapunan ang inaasahang demand na 1.64 million MT.
Sa datos noong Setyembre 20, ang prevailing price ng fresh pork na kasim sa pamilihan sa Metro Manila ay nasa PHP300 kada kilo; PHP370 kada kilo para sa fresh pork na liempo at PHP180 kada kilo para sa fully-dressed, whole chicken.