-- Advertisements --
Sugatan ang K-pop member na Super Junior na si Kyuhyun matapos na isang babae ang pumasok sa dressing room.
Binisita lamang ni Kyuhyun ang kaibigang actor nito sa Seoul theater ng biglang pumasok ang suspek na may hawak na kutsilyo.
Nakipambuno ito ay nasugatan siya sa kamay habang ang babaeng suspek na nasa edad 30 ay inaresto ng mga otoridad.
Inaalam pa ng mga otoridad kung saan nakuha ng suspek ang kutsilyo at ang motibo nito sa pananaksak.
Bukod kasi sa pagiging miyembro ng K-pop group ay isa ring actor si Kyuhyun na gumaganap sa Korean-language version na Ben-Hur.










