-- Advertisements --

Pinahiya ng Phoenix Suns ang katunggali nitong Minnesota Timberwolves nang lumamang ng 9 points sa pagtatapos ng 116-107.

Kumamada ng 29 points, two rebounds at three assist ang American player na si Cameron Johnson para makuha ang ika-anim nilang panalo.

Nasayang naman ang diskarte ng star player ng Timberwolves na si Karl Anthony Towns nang magbuhos ito ng 24 points, ten at seven assist ngunit natikman pa din nila ang kanilang pagkatalo.

Lumamang naman ang Minnesota sa loob ng 87-85 mark matapos maipasok ni Anthony Edwards ang 3-pointer sa kalagitnaan ng fourth quarter.

Liban nito, ang pagwagi ay ang ikalimang panalo na para sa Suns na kung saan nakuha nila ang 6-1 standing nang wala ang center player na si Deandre Ayton na may sprained right ankle. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)