-- Advertisements --
Sinuspendi ng isang taon at pinagmulta ng $10 milyon ng National Basketball Association (NBA) si Phoenix Suns owner Robert Sarver.
Kasunod ito sa reklamong kinakaharap niyang workplace misconduct.
Kabilang sa mga reklamo ay ang pambabastos umano sa mga babaeng empleyado at ang mga malalaswang komento sa kanila.
Boluntaryo naman itong nakikipatulungan sa mga nagsagawa ng imbestigasyon kung saan naging guilty din ito ng limang beses sa racial slur.
Nabili ni Sarver ang Suns at Phoenix Mercury ng WNBA noong 2004.
Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver na labis siyang nadismaya at nabahala sa mga lumabas na resulta ng imbestigasyon.
Una ng itinanggi ni Sarver ang mga alegasyon at bukas aniya itong sagutin ang anumang imbestigasyon na isasagawa.