-- Advertisements --

Inaalam na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng pagkakasunog sa isang residential area sa Barangay 69, Caloocan city kaninang madaling araw.

Nagulat na lamang ang maraming residente ng sumiklab ang nasabing sunog.

Mabilis na kumalat ito dahil gawa sa mga light materials ang karamihang bahay doon.

Naapula naman ang nasabing sunog matapos ang halos dalawang oras.