-- Advertisements --

CEBU CITY – Iniimbestigahan ng Cebu City Fire Department ang nangyaring sunog sa isang commercial building sa P. Lopez St., Brgy. Kalubihan sa lungsod ng Cebu.

Sa ulat ni FO2 Fulbert Navarro, sumiklab ang sunog sa mula ikalawang palapag ng building na pagmamay-ari ni Hanima Tasan dakong alas-4:47 kahapon at itinaas naman ito sa second alarm.

Makalipas ang higit isang oras, naapula naman agad ng mga bumbero ang nasusunog na building.

Ayon kay FO2 Navarro na ligtas na nakalabas ang mga tao sa loob ng nasabing building at nasa humigit-kumulang na P3 milyon ang halaga ng danyos nito.

Isinalaysay naman ni Cebu City Disaster Officer Ramil Ayuman na isa ang sugatan sa nasabing sunog at nabigyan agad ito ng paunang lunas.

Nabigyan naman ng paunang tulong ang mga apektado sa nasabing trahedya.