-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang sundalo sa engkwentro ng militar at New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang nasawi na si Corporal (CPL) Wilson Caguimbal nakatalaga sa Alpha Company ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion Philippine Army.

Ayon sa ulat ng 603rd Brigade na tumanggap sila ng impormasyon sa panununog ng mga NPA ng mga heavy equipment sa Sitio Basiawan Brgy Datu Ito Andong Kalamansig Sultan Kudarat.

Mabilis na nagresponde ang tropa ng 37th IB ngunit pagsapit nila sa Sitio Nursery Brgy Santa Clara sa bayan ng Kalamansig ay tinambangan sila ng mga rebelde kasabay ng pagsabog ng landmine sa gilid ng kalsada.

Gumanti agad ang mga sundalo na tumagal ng halos isang oras na palitan ng bala sa magkabilang panig na nagdulot ng takot sa mga sibilyan.

Umatras ang mga NPA patungo sa bulubunduking parte sa bayan ng Kalamansig nang matunugan nila ang paparating na karagdagang pwersa ng mga sundalo.

Patay on the spot si Cpl Caguimbal ng sentrong tamaan ng sumabog na landmine habang hindi matiyak sa mga rebelde.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga sundalo at Cafgu ang mga NPA sa bayan ng Kalamansig.